Entry: marami akong na-miss Saturday, June 03, 2006
Miss ko ng magblog
Matagal na din akong di nakakadalaw sa aking mga friends sa blogworld. Sobrang dami kasi ng work ko ngayon. Pagpunta na lang sa CR ang pahinga actually. Hay, di maubos-ubos talaga. Wala na akong update sa mga buhay-buhay nila. Maliban na lang syempre sa mga real-life friends ko. Pero definitely, mga buhay pa sila. Di bale, makakabisita din ako sa mga susunod na araw. Promise!
Miss ko na ang mga happenings sa office
Nakakabingi lagi ang katahimikan dito sa opisina. Walang music, bawal ang masyadong katuwaan at malakas na pag-uusap. Grabeng KJ ng amo ko. Na-deprived ata nung kabataan nya. Pinalaki ata sa kumbento o di kaya sa Center for the Deaf & Mute. Minsan akala ko estudyante pa ko na pumapasok sa Library. Bawal kasi ang noisy. Sa buong maghapon boses nya lang ang naririnig. Mabuti sana kung mala-Ibong Adarna ang tinig nya na makakatulog ako. Eh para naman lagi syang may ipinaghihimagsik o ipinaglalaban. Ewan ko ba huh!
Sa dating kong work, masasayahin ang mga tao. Laging may tawanan at kainan. Para kaming 1 big happy family. Magkakasama kahit tapos na ang office hours. Kulang na lang tumira na kami sa office. Pag may bagong resto o magandang movie, go agad kami don. Umaga, tanghali, gabi may aksyon. Di nawawala ang tawanan at biruan habang nagwo-work. In that way, naging maganda bonding namin. Ka-miss talaga kayo mga pare.
Miss ko na ang mga kaberks ko sa office
Di ba usually nagiging kaberks mo ang mga officemates mo? Sila kasi ang araw-araw mong nakakasama whether you like it or not. Meron din naman akong mga naging friends dito kaya lang nagresign na eh. Di ko naman sila kaaway o mga kagalit pero di lang kami talaga close period.
Kapansin-pansin din sa akin ang iba dito na tila mga OT (otistic) o may mga sariling mundo. Meaning keber ang mga pipol around them. Eh mga wannabes pa naman sila. Mga naturingang owners ng kumpanya. Mga stockholders daw. Hay, mga taong di pinaghirapan posisyon nila. Maswerte na lang at mga anak sila ng tatay nila hmp!
Halos di ka na magkanda-ugaga minsan sa dami ng utos o tinatapos mo. Pero ang iba, they're just sitting on their @#$*%. Taking their lemon time. Working at their convenience. Kala ata nila nasa sinehan sila na nanood ng favorite movie nila habang kumakain ng popcorn.
Di uso ang "No work, no pay policy". Kasi even if they dont work at all, you have to pay them. Walang holiday o laging on-call. Everyday is a holiday at on-call sa mga gimikan. Di pwede ang di sila mag-absent at ma-late kasi kukumbulsyunin sila mahirap na. Walang mga work ethics. Sana may mall na nagtitinda non at ireregalo ko sa kanila sa pasko para memorable.
Masarap talaga ang feeling na pinagpawisan mo ang posisyon mo. Deserving ka sa title mo. There's should be dignity in all you do. Papasok at lalabas ka sa opisina na taas noo kasi alam mo na you are worth the position & money the company give you. 100% sure ka na fit ka sa title mo at di ka lang napadaan o naligaw.
Madalas kong sabihin sa 1 kong friend na si God ang ultimate rewarder natin. He sees our faithfulness and diligence in all we do. I strongly believe in that! Time will come and we will reap the fruits of our labor.
Only in the Philippines lang ba to?
3 comments
vatski June 14, 2006 02:31 PM PDT watta boss! but i suggest u be careful with your post such as that. you wouldnt know someone might hand a copy of that entry to him/her. i personally had that experience. now im ultra careful with my post. tsk!
abby June 6, 2006 03:32 PM PDT abay marami karin palang namimiss...pareho tayo ng recent post ah..miss yah
mei June 5, 2006 10:28 AM PDT ako nami-miss ko ang may ka-office mate! hehe. at nami-miss kong tumunganga sa office pag walang ginagawa, at maasar kapag nagloloko lahat ng gamit. at namimiss ko lalo na yung gawing tambayan ng mga nursery ang office ko at salubungin nila ko ng hugs and kisses nila. hay. =)