***thank you for sharing your thoughts***

Entry: ang pagbabalik ko! Saturday, August 05, 2006



Ako ay muling nagbabalik matapos ang isa't-kalahating pananahimik sa blog world.  Actually, di na yata ako sanay magblog.  Medyo naninibago na nga ako eh.  Feeling ko makakagawa na ko ng nobela sa dami ng gusto kong ikwento. 

Anyways, siguro marami nagtataka kung nasan na ko.  As if meron naman talaga hahaha!  Just in case na gusto nyo makibalita sa buhay ko sa mga nakaraang araw, heto na ang kwento...

SAAN..........
+nagpunta?  Wish ko lang marami na kong napuntahan para isipin nyo nag-out of the country ako o out of town man lang pero wala eh.  Dito lang ako sa Marikina.  Busy-busyhan sa work sa office.  Grabe workload ko ngayon.  Di magkandaubos ang trabaho, hmp!  Di pa kasi nakakahanap ng kapalit sa nagresign kong officemate.  Nakahanp nga, 2 weeks lang tinagal at inalis na.  Haaayyy!!!

BAKIT..........
+walang update?  Umaga pa lang kailangan ko ng iayos schedule ko or else tambak ang pending for 1 day.  Sabay-sabay kasi projects namin kaya sabay-sabay din mga trabaho na dapat tapusin.  Para akong nakikipag-unahan sa oras lagi.  Dapat before 6pm madami na ko na-accomplish kung hindi, OT na.  Happy ako kasi tested & proven na ang aking mult-tasking powers naks!

Isa pa, sa sobra kong tagal na di maka-blog, di ko na alam isusulat ko.  Ang dami nasa mind ko pero di ko alam kung ano uunahin isulat.  Di talaga ako writer sabi na eh hahaha!

ANO.........
+nangyari?  Medyo maraming mga bagay ang di kagandahan ang lumipas.  Huh!  Buti lumipas na.  Nakasagabal nga ang mga ito sa pagblo-blog ko eh.  Manisi ba?  Una na dyan ang pagkawala ng internet namin ng halos 1 linggo.  Kala ko ba within 24 hrs. ang service ng Globe? O sya, past is past kaya kalimutan na.

Recently lang ay nakiuso ako sa sakit.  Nyaha! Badtrip!  Naglbm ako for 3 days.  Naging close na kami ng CR namin tuloy.   Buti na lang at di ako na-dehydrate.  Thanks to gatorade.  Pero ang funny dito ay ng magpa-check-up ako.  May 1 batang lalaki, mga 1 or 2 yrs old.  Cute sya actually.  Nang paalis na kami, nagba-bye ako sa kanya.  Nagulat ako kasi sumasama at ang sabi pa ay "mommy".  Ha?  Mukha ba kong mommy nya?  Sabi ng yaya na kasama lagi daw ganon si Christo (name nung bata) pag nakakakita ng matangkad at maputing babae.  Nasa London kasi mommy nya.  Pero ang mas panalo ay ng sabihin ng yaya na ang daddy ni Christo ay drummer ng Bamboo.  Waaaahaha! 

Now, I'm back to blogging.  Hopefully, makapag-update na ko ng madalas.  Ciao for now.  Gotta be working again.

   3 comments

alex
July 18, 2009   07:08 AM PDT
 
atleast kahit busy ka you find time to update your blog!!! yan ang BLOGISTA!!!
alex
July 18, 2009   07:08 AM PDT
 
atleast kahit busy ka you find time to update your blog!!! yan ang BLOGISTA!!!
myepinoy
October 27, 2006   06:02 AM PDT
 
Hi!

Welcome back. Hope okay ka na.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments